A Travellerspoint blog

Dear Roomie ...

Pakiusap galing sa baguhan sa room-sharing

sunny

Dear Roomie,

Halos tatlong linggo palang tayo magkakilala, pero parang ang dami ko na'ng alam tungkol sayo. Mula sa eating habits, sex life, love life at hanggang sa movie choices mo. Pa'no ko ba naman hindi malalaman, eh dinig na dinig ko lahat. Kahit na di ko sinasadya makinig, eh "no choice" ako kungdi marinig lahat ng mga ginagawa mo sa kabilang side ng ating munting kwarto. Baka nakakalimutan mo lang, kaya ireremind sana kita, may ka-share ka sa partition, nandito lang ako sa kabilang side ng heavy drapes na naghahati ng kwarto natin.

May mga ipapakiusap sana ako sayo roomie eh. Sana mapagbigyan mo ako. Inilista ko nalang para di ko makalimutan at para may reference ka rin.

1. Chew with your mouth closed. - Matagal na itinuro ito sa atin ng ating mga magulang, mga bata palang tayo. Dapat kung naging makakalimutin ka man, di mo kinalimutan ang proper etiquette sa pag kain. Nabobother lang ako, kasi sa lakas ng sounds na pinoproduce ng bibig mo pag kumakain ka, akala ko minsan eh nagmimilagro kayo ng boyfriend mo. Either way, kung ano man yung nagproproduce ng sound na yun, eh napaka unpleasant. Hindi ko naman sinasabi na napaka poised ko kumain, or may set up ka ng formal table setting at naka evening gown ka pag kakain ka, ang pakiusap ko lang ay isara ang bibig habang ngumunguya. PLEASE.

2. Say "Excuse Me". - You say excuse me to apologize kapag may nagawa kang medyo embarrassing or impolite, like burping, hiccuping, or sneezing. Or kapag mag didisagree ka sa sinasabi ng ibang tao. I am leaning more towards the burping part. Ang sarap ng kain nyo ni BF ng lechon manok, or sinigang, amoy na amoy ko sa kwarto (BTW, thank you ha, nakakalanghap ako ng lechon manok habang kumakain ako ng tuna. Sarap! Parang lechon manok na rin ang kinakain ko). Pero pag tapos nyo kumain, parang may burping contest kayo ni BF, at walang nag e-"excuse me" sa inyong dalawa. Subukan mong gawin yan pag kaharap mo ang mommy ko, makakatikim ka ng matalim na tingin, at pag inulit mo, may pingot ka sa patilya.

3. Magpatugtog pag may milagrong gagawin. - Parang gusto ko minsan ako nalang ang magpatugtog ng malakas pag naririnig ko kayo ng BF mo. GIven na yan roomie eh, sino ba naman ang gustong makarinig ng inyong mga sensual sounds diba? Siguro kung may fetish ang roommate mo at natuturn on sa mga sounds na ganyan eh sige, by all means, moan and groan all you want. Pero kung hindi naman, eh pakiusap lang, drown out the sounds. PLEASE. Nakakabastos na nga yung fact na 3 girls tayo sa room, at ikaw lang ang bukod tangi na nag uuwi ng boyfriend, na nagsstay sa room for 3-4 days at a time per week, pero para iparinig mo pa sa amin yung ginagawa nyo sa gabi at sa madaling araw eh sobra ka na. Hindi kaya ng earphones ko takpan ang sounds nyo eh. PLEASE. PRETTY PLEASE.

4. Kung ayaw mo pa matulog, magpatulog ka. - Naiintindihan ko na iba-iba talaga tayo ng schedule, at dahil fixed ang work hours ko sa 8:45 to 6:00PM eh gusto ko sana, mga 10:00PM eh nagpapahinga na ako. More often than not, kapag sa iyo naka-schedule si BF mo, ang ingay ng arrival nyo. Kulang nalang eh banda. Okay lang yung usual sounds, pag bukas ng cabinet, pag lapag ng gamit, pag prepare ng kakainin... pero yung walang humpay na inarte mo kay BF tungkol sa pagseselos mo at pagtatago ng BF mo, nakakasawa na. Normal lang magselos roomie, pero minsan gusto na kita i-umpog sa pader dahil may rason ka talaga mag selos, pero tuloy parin ang pakikisama mo sa BF mo. Panay ang away nyo pag ayaw nya sagutin phone nya pag nandyan sya sayo, di mo alam may FB pala sya pero sabi nya sa kapatid nyang account yun, mag aaway kayo pag ikaw ang matagal sumagot ng phone mo, lalo na at hindi mo man lang mahawakan ang "apple phone" ni BF na ikaw ang bumili. Hindi ko pakikialaman ang desisyon mong maging tanga sa lovelife mo roomie, pero kung itutuloy mo yan, sana respetuhin mo rin and desisyon ko na matulog by 10:00PM. Pwede naman din kayo mag share ni BF ng earphones, or pwede rin kayo gumamit ng splitter for earphones na jack. Yun eh kung manonood lang talaga kayo ha. Pag may gagawin kayong related sa number 3, mag sounds kayo kung hindi kaya gawin ng tahimik. Nagsasawa na rin kase ako makinig sa mga robin padilla at FPJ movies na paborito ng BF mo.

Apat na kahilingan lang yan roomie. Sana kahit isa eh mapagbigyan mo ako.

Take care always! mwah mwah!

Yours truly,

Ginger

Posted by GingerFerrer 03:04 Archived in Philippines Tagged love women dubai etiquette relationships roommate

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint